Fragmented Words

Mabait na tao ‘tong si Kiefer. Pero tahimik pala sya in person. Ako lang talaga yung makulit kaya dumadaldal na din sya :D Mabilis kong nakamabutihan ng loob ‘tong si Kief. Ewan ko ba. Nagclick kami kaagad. I appreciate the times na anjan sya kapag may problema ako. Isang text ko lang, magrereply na yan. Malas ko lang pag tulog sya. Pero magtetext agad yan pagkagising nya :) Hindi ko rin makakalimutan yung time na sobrang willing sya na samahan kami papunta ng Marikina. Alam ko pagod na din sya non at gusto nya ng matulog pero he took the time to be with us.

- Gia Marie Ilagan/Ice Cream

Mabait ‘to. Kapag napagtripan naman niya, mangangamusta, makikipagkwentuhan. Pero pag may topak talaga, bahala ka. Kausapin mo muna sarili mo.

Ako, bilang mabait (ehem) na kaibigan, wala akong pakialam kung topakin siya or moody. Bahala siya. Ayan siya eh. Di ko naman siya kinaibigan para baguhin siya or ipagdiinan ang mga dapat niyang gawin. Basta ako, hindi ako nakakalimot magpaalala na masyadong maikli ang buhay para malungkot o pagsisihan ang mga bagay na hindi mo napagtagumpayan.

Nakikita rin naman ng ibang tao na masayahin ka. Pero kitang-kita rin namin kapag nilalamon ka na ng pagiging pessimist mo. Huwag mo lang sanayin sarili mo sa mapagkunwaring gawain. Kasi, ikaw din mahihirapan niyan hindi lang ngayon. Hanggang dulo yan. Swear.

-Daine Valerio

I think it was a year ago when we first met. If I’m not mistaken, it was summer and he’s knew to Tumblr. I don’t know how he found me but I think he’s following me that time because I can still remember he replied to my post and after a few exchange of messages, we became good friends… a relationship that we didn’t expect.

He was new and he know nothing about Tumblr bloggers. I offered him my knowledge about things. We talked about random things: life, love, friends, blogs, politics… almost everything under the sun. I can’t remember how we met in person but I know this guy is going to be a special one in the future.

I deactivated twice yet he’s still there. I guess there is such thing as limelight. He got it. He had so many famous friends. He courted a lot of famous girls. He had a group of friends. I was left out. I feel like he is now independent. He doesn’t need me anymore. He can stand on his own feet, talk at his own risk, be bold like a boss… he’s not the same guy I met. He’s not the same Kuya I loved.

We argued, we quarreled… yes we did and we still do. Nope. We’re not lovers, we’re just close friends. Or should I say Tumblr siblings? I call him Kuya and he calls me kapatid. Very well explained, no need to perv things out. We share secrets, we eat together, we sacrifice our time for each other, we hug and kiss, we text and call each other… we do all those things because we love each other.

I thought our friendship was going to end because he found a new world which I don’t fit in. He walked away, he left me with no light on my name. But I guess God really wanted us to be together. He approached me, he said sorry, I forgave him, we settled down, we became a lot closer, we… we… what else I forgot?

I want to thank this guy for being always there for me. Although we don’t meet each other often recently, I know that he still cares for me. Every text message and phone call makes my heart skip a beat. I love the way he shows me how special I am, how thankful he is because I’m a part of his life. I, myself, too, is really thankful because I experienced his love and care before he became “famous”— when he was still new up to now that he’s known for being pasumalangkiper.

I will always love you, Kuya. I miss you so much. :*

-Mara Kesha Pinion

Si kuya Kiefer ay isang napakabait na nilalang. na-feel sakanya yung kahit na famous siya parang magka-level lang kami. Ansaaaveh? Basta ang gaan gaan ng loob ko sakanya na kahit hindi kami gano magkakilala.

-janenengfeelingera

Eto, matagal ko na talaga siya kilala. Hindi pa ako nagde-deactivate dati eh friends na kami. Hindi nga lang kami close nun. Nagsimula ang lahat nung wagas pa ako mag-like. Alam ‘yon ng ibang tumblrsta. Halos lahat ng meetup na napuntahan ko dati, kasama dun si Kiefer. Pero after lang nung TAE6 kami nagkausap ng masinsinan. Lalo kami naging close nung nag-overnight siya sa dorm ko for 2 nights. Ang bilis nga lang niya makatulog! Hahaha.

Si Kiefer ay napakamaintindihin. Siya ‘yung tipo ng tao na papakinggan ka at hindi ka huhusgahan. Kung may mali sa’yo, sasabihin niya ‘yun sa’yo. Which is a very important trait for me. Wala ako panahon sa plastikan kasi. Kahit taga-malayo siya, ginagawan niya talaga ng paraan para makapunta ng Batangas which I find very sweet.

-Reah Bernadillo/Baby

Si KIEFER, ang pasumalang nilalang na aking kaibigan. PAKYU WAGAS TO INFINITY AND BEYOND. Haha. Kapwa PUPian. :) Nakilala ko si Kiefer kasi naging kapamilya ko siya sa POCKYKADA tulad ni Kris. Madalas late ‘tong kupal na ‘to galing pa kasi siya sa aming sintang paaralan. Mabait na kaibigan at mahihingan mo ng payo pero sa kabila nun siya pala ang nangangailangan ng mga payong iyon. Haha. Madrama. OO. Normal na sa kanya yun pero masayahing tao rin ‘to kung makikilala mo. Madalas tulog. Dun ko siya nakilala. Kapag nakikita ko kasi siya noon sa school e madalas tulog. Ngek. Patay gutom sa tulog. Siya na! Ayun. Salamat Kief. Salamat sa pagiging mabuting kaibigan sa akin. Wag ka magbabago. Ingat lagi. :)

-Ace Alejandro/Pakyu Wagas

Pasumalang kiper.
Sino yun? Di ko pa kilalang lubos ang lalaking ito. Hindi ko naman alam lahat tungkol sakanya. At ayokong pilitin alamin yun, sa pagtatanong ng iba’t ibang tanong. :) haha. Hinahayaan ko siya magsalita at magkwento ng kusa.At nagpapasalamat ako na sinasabihan niya ako ng mga kwentong iba. Kwentong kaunti lang ang nakarinig. Kaya alam ko na isa ako sa mga pinagkakatiwalaan niya. :)
Si kiefer yung tipo ng tao na. madalas confused. Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko na nalilito pa siya. Na may hinhanap pa siya. madalas ko makita sa post niya yung rants niya at ipinapangalan sa iba ang post. Mahilig magbigay ng nicknames, tulad ko na lang na kaibigang oso ang itinawag na ngayon, mas sushal na dahil tidy na. :)

Mapagkakatiwalaan. Masyadong expressive. Makulit kasama. Mapang asar. Laging napag seselosan ng bf ko. Gwapo (daw siya) well, totoo naman. Hindi mo alam kung seryoso o hindi. :D hahaha.

Mahal ko. Pinagkakatiwalaan ko.

-Arcell Santiago-Tamonan, RN/Kaibigang Oso/Tidy Bur

Si Kiefer? He’s one of my friend. He’s the most obnoxious bitch I’ve ever met. But I love him. HAHAHA. Si Kiefer ang pinaka-punctual sa lahat ng kakilala ko.

-Krisel Hidalgo

Si Kiefer? Siya yung taong hopless romantic, a very good friend na hindi ka iiwan kahit ipagtulakan mo siya palayo.

-Zabimaru.

Isa si Kiefer sa pinagkakatiwalaan kong kaibigan. May mga ilang bagay na rin akong na-open sa kanya at siya rin. Nagpapasalamat ako kasi isa rin ako sa mga pinagkakatiwalaan niya. Yung respeto niya sa akin bilang “nanay”, damang dama ko sa batang to. :)

Kumbaga, siya na rin ang humahalili bilang boypren kuno ko kasi nakakakuha ako sa kanya ng unlimited hugs sa tuwing nagkikita kami at unlimited “i Love you’s” sa tuwing magka-text o magkausap kami sa phone. hehehehehe.

Kahit nililink ako nito sa kung sino-sinong lalake, labs ko pa rin yan. damuho talaga hahaha

Basta. Mahal ko tong lalakeng to. Siya yung isa sa mga taong sobrang tinetreasure ko. Never kong ile-let-go ang taong to. :)

-Irish Dawn Onofre Oroceo, RN/Nay Yeye

Si Kiefer ay isang lalaki na di ko aakalaing magiging parte ng buhay ko. Through tumblr ko lang naman kasi nakilala, sino ba mag-aakala na magiging importanteng lalaki din yan sa buhay ko? Sa lakas mang-asar niyan, nakasanayan ko na. Parehas man kaming single at tinutulak na maging kami nalang, friends pa rin kami. Cool na lalaking maraming baller, hawig pa ni Adam Sandler.

-Jennifer Lois Dela Cruz, RN / Third party / Fishball

NIGHTNIGHT by DEDDY

Disclaimer:
Isa itong personal at pasumalang blog. Ang lahat na makikita ninyo dito ay akin maliban kung nakasaad na hindi. Walang nakawan ng utak. Salamat!

pasumalang tao ang nagugulumihanan

Read the Printed Word!